Friday 14 February 2020

Araw ng mga Puso: Ito'y Para sa Lahat!

- Pinterest

Ang araw ng mga Puso ay isang pandaigdigang pagdiriwang na ibinabahagi o ipinapahayag ng bawat isa ang pagmamahalan at pag-iibigan. Ang araw ng mga Puso ay ipinagdiriwang bawat taon sa ika - 14 ng Pebrero at minarkahan ang anibersaryo ng pagkamatay ni Saint Valentine.

Ang selebrasyon na ito ay hindi lamang para sa mga mag-asawa o magkasintahan, ito ay para sa lahat. Ito ay isang espesyal na araw na dapat din nating pinapahalagahan.

Inaasahan natin sa araw na ito ang pagbibigay ng mga regalo gaya ng mga tsokolate, bulaklak, sulat at iba pa na nakakapagpaligaya sa ating mga mahal sa buhay.Isa rin itong daan sa pagtatapat ng damdamin para sa isang tao na matagal ng kinikimkim ang kanyang pag-ibig.

Ang simpleng pagbati at paglaan ng oras upang makasama ang mga importantent tao sa ating buhay ay nagiging espesyal na, hindi na pa ang pagbibigay ng mga mamahaling bagay, kapag tunay ang pagmamahal ng bawat isa ang simpleng pagsalo-salo ay nagiging makabuluhan ng sama-sama.

Tayo na at batiin ang kapwa, maligayang araw ng mga puso sa ating lahat! Iwasan ang pait na dinaramdam , saya ay ibahagi ng tuluyan. Huwag mawalan ng pag-asa sa taong iyong nililigawan , darating din ang tamang panahon na ikaw naman ang mamahalin niya ng lubusan. 

2 comments:

Unknown said...

Sinong "NIYA" pa ba ang hinihintay mong magmahal sa'yo ng lubusan,
kung mga tao naman sa paligid mo ang nagmamahal sayo ng walang katapusan.

Abshot said...

I'm single thanks for this