Sa aking bawat pagsulat puso ko'y binubuksan
Hilig kong ito ay aking paninindigan
Ibubuhos ko aking damdamin at kasiyahan
Munting kakayahan aking pinasasalamatan
Ako'y isang kabataan
Magaling sa sulatan
Pangarap ko'y tutuparin
Pagsulat ay aking gagamitin
Sa lungkot na aking nararamdaman
Pagsulat ay aking kaibigan
Sa bawat kwentong aking susulatan
Imahinasyon ay umuunlad ng tuluyan
O pagsulat na aking mamahalin hanggang katapusan
Sayo ako ay nagtiwala ng lubusan
Mata ko ay imumulat hanggang sa aking kakayahan
Kakayahang ipaglaban ng walang pag-aalinlangan
Hilig kong ito ay aking paninindigan
Ibubuhos ko aking damdamin at kasiyahan
Munting kakayahan aking pinasasalamatan
Ako'y isang kabataan
Magaling sa sulatan
Pangarap ko'y tutuparin
Pagsulat ay aking gagamitin
Sa lungkot na aking nararamdaman
Pagsulat ay aking kaibigan
Sa bawat kwentong aking susulatan
Imahinasyon ay umuunlad ng tuluyan
O pagsulat na aking mamahalin hanggang katapusan
Sayo ako ay nagtiwala ng lubusan
Mata ko ay imumulat hanggang sa aking kakayahan
Kakayahang ipaglaban ng walang pag-aalinlangan
No comments:
Post a Comment